“Lipunan”

KYMC – Sunday Service

1 Pedro 1:18-25

[18]Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang ipinantubos sa inyo’y hindi ang mga bagay na nasisira o nauubos, tulad ng ginto o pilak,
[19]kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya ang korderong walang batik at kapintasan.
[20]Pinili na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang-alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon.
[21]Dahil kay Cristo, sumasampalataya kayo sa Diyos na sa kanya’y muling bumuhay at nagparangal, kaya’t ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.
[22]Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, at naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa’y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan.
[23]Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng kapanganakang may kamatayan, kundi sa bisa ng buháy at di nagbabagong salita ng Diyos.
[24]Ayon sa kasulatan, “Ang lahat ng tao ay tulad ng damo, gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan. Ang damo ay nalalanta, at kumukupas naman ang bulaklak,
[25]ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.”At ang salitang ito ang Magandang Balitang ipinangaral sa inyo.

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @139 Don Jose St Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

“Ligaya sa Diyos”

KYMC – Sunday Service

2 Corinto 1:3-111-4


Pasasalamat sa Dios
3 Purihin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siyaʼy maawaing Ama at Dios na laging nagpapalakas ng ating loob.

4 Pinalalakas niya ang aming loob sa lahat ng aming paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa amin ng Dios ay mapalakas din namin ang loob ng ibang naghihirap.

5 Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap namin dahil kay Cristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang inyong loob.

6 Kung naghihirap man kami, itoʼy para mapalakas ang inyong loob, at para kayoʼy maligtas. At kung pinalakas man ng Dios ang aming loob, itoʼy para mapalakas din ang loob ninyo, nang sa ganoon ay makayanan ninyo ang mga paghihirap na tulad ng dinaranas namin.

7 Kaya malaki ang aming pag-asa para sa inyo, dahil alam namin na kung naghihirap kayo tulad namin, palalakasin din ng Dios ang inyong loob tulad ng sa amin.

8 Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo ang mga paghihirap na dinanas namin sa lalawigan ng Asia. Napakabigat ng mga dinanas namin doon, halos hindi na namin nakayanan at nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa.

9 Ang akala namin noon ay katapusan na namin. Ngunit nangyari ang lahat ng iyon para matuto kami na huwag magtiwala sa aming sarili kundi sa Dios na siyang bumubuhay ng mga patay.

10 Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy niya kaming ililigtas. At umaasa kami na patuloy niyang gagawin ito

11 sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa ganoon, marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang tatanggapin namin mula sa kanya bilang sagot sa mga panalangin ng marami.

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @139 Don Jose St Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

“Si Hesus ay Buhay”

KYMC Sunday Service – 30 Oct 2022
Bro. Gab.

1 Pedro 1:3-9

Magandang Balita Biblia
Isang Buháy na Pag-asa

3 Pasalamatan natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo’y binigyan niya ng isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ito ang nagbigay sa atin ng isang buháy na pag-asa

4 na magmamana tayo ng kayamanang di masisira, walang kapintasan, at di kukupas na inihanda ng Diyos sa langit para sa inyo.

5 Sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakahandang ihayag sa katapusan ng panahon.

6 Ito’y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba’t ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon.

7 Ang ginto, bagama’t nasisira, ay pinapadaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa ginto, ay sinusubok upang malaman kung ito’y talagang tapat. Sa gayon kayo’y papupurihan, dadakilain at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.

8 Hindi ninyo siya nakita ngunit siya’y inibig ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita hanggang ngayon, ngunit sumasampalataya kayo sa kanya. Dahil dito’y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita,

9 sapagkat tinatanggap na ninyo ang bunga ng inyong[a] pananampalataya, ang kaligtasan ng inyong buhay.

Salamat po sa pagbisita sa aming website. Maari nyo rin pakinggan ang iba pang mensahe sa aming sermons page.
Lahat po ng kapurihan at kadakilaan ay sa ating Diyos na buhay.

Amen…