“Ligaya sa Diyos”

KYMC – Sunday Service

2 Corinto 1:3-111-4


Pasasalamat sa Dios
3 Purihin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siyaʼy maawaing Ama at Dios na laging nagpapalakas ng ating loob.

4 Pinalalakas niya ang aming loob sa lahat ng aming paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa amin ng Dios ay mapalakas din namin ang loob ng ibang naghihirap.

5 Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap namin dahil kay Cristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang inyong loob.

6 Kung naghihirap man kami, itoʼy para mapalakas ang inyong loob, at para kayoʼy maligtas. At kung pinalakas man ng Dios ang aming loob, itoʼy para mapalakas din ang loob ninyo, nang sa ganoon ay makayanan ninyo ang mga paghihirap na tulad ng dinaranas namin.

7 Kaya malaki ang aming pag-asa para sa inyo, dahil alam namin na kung naghihirap kayo tulad namin, palalakasin din ng Dios ang inyong loob tulad ng sa amin.

8 Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo ang mga paghihirap na dinanas namin sa lalawigan ng Asia. Napakabigat ng mga dinanas namin doon, halos hindi na namin nakayanan at nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa.

9 Ang akala namin noon ay katapusan na namin. Ngunit nangyari ang lahat ng iyon para matuto kami na huwag magtiwala sa aming sarili kundi sa Dios na siyang bumubuhay ng mga patay.

10 Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy niya kaming ililigtas. At umaasa kami na patuloy niyang gagawin ito

11 sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa ganoon, marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang tatanggapin namin mula sa kanya bilang sagot sa mga panalangin ng marami.

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @139 Don Jose St Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

“Dakilang Taga-paglingkod”

KYMC – Sunday Service

Marcos 9:33-37

Magandang Balita Biblia
Ang Pinakadakila

33 Dumating sila sa Capernaum. Nang sila’y nasa bahay na, tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad, “Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?”

34 Hindi sila makasagot sapagkat ang pinagtatalunan nila’y kung sino sa kanila ang pinakadakila.

35 Naupo si Jesus, tinawag ang Labindalawa at sinabi sa kanila, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.”

36 Tinawag niya ang isang bata at pinatayo sa gitna nila. Pagkatapos, kinalong niya ito at sinabi sa kanyang mga alagad,

37 “Ang sinumang tumatanggap sa isang batang tulad nito alang-alang sa aking pangalan ay ako ang tinatanggap; at ang sinumang tumatanggap sa akin ay hindi lamang ako ang kanyang tinatanggap kundi pati na rin ang nagsugo sa akin.”

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @139 Don Jose St Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

“Hawak mo ang Buhay”

KYMC – Sunday Service & Communion

Efeso 6:1-4

Magandang Balita Biblia
Tagubilin sa mga Magulang at mga Anak
6 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang, [alang-alang sa Panginoon,][a] sapagkat ito ang nararapat. 2 “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako: 3 “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”

4 Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong mga anak. Sa halip, palakihin ninyo sila ayon sa disiplina at aral ng Panginoon.

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @139 Don Jose St Paguiruan, Floridablanca, Pampanga