“Pag-babago ng Kaisipan”

KYMC – Sunday Service

Lucas 16:19-31

Magandang Balita Biblia
Ang Mayaman at si Lazaro

19 “May isang mayamang laging nakasuot ng mamahaling damit at saganang-sagana sa pagkain araw-araw.

20 May isa namang pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugat sa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman

21 sa hangad na matapunan man lamang ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng mga aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat.

22 Namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman at inilibing.

23 Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay,[a] natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham.

24 Kaya’t sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako’y naghihirap sa apoy na ito.’

25 Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa, at si Lazaro naman ay nagtiis ng kahirapan. Subalit ngayon ay inaaliw siya rito samantalang ikaw nama’y nagdurusa riyan.

26 Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya’t ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’

27 “Ngunit sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap kong papuntahin na lamang ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama,

28 sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila’y bigyang-babala at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’

29 Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga kasulatan ni Moises at ng mga propeta; iyon ang kanilang pakinggan.’

30 Sumagot ang mayaman, ‘Hindi po sapat ang mga iyon. Ngunit kung magpapakita sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, magsisisi sila’t tatalikuran ang kanilang mga kasalanan.’

31 Sinabi naman sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @139 Don Jose St Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

Simple lamang ang Buhay

KYMC SUNDAY SERVICE

Mga Taga-Roma 8:1-4

1 Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.[2]Wala na ako sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus.[3]Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao.[4]Ginawa ito ng Diyos upang ang panuntunan ng Kautusan ay matupad na sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @Don Alfredo Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

Kabuluhan ng Pananampalataya

KYMC Sunday Service17 Aug 2025

Hebreo 11:1-3

Ang Pananampalataya sa Diyos

1 Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na hindi nakikita. 2 Kinalugdan ng Diyos ang mga tao noong unang panahon dahil sa kanilang pananampalataya.3 Dahil sa pananampalataya, nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilalang sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, at ang mga bagay na nakikita ay ginawa mula sa mga hindi nakikita.

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @Don Alfredo Paguiruan, Floridablanca, Pampanga