“Ligaya sa Diyos”

KYMC – Sunday Service

2 Corinto 1:3-111-4


Pasasalamat sa Dios
3 Purihin ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Siyaʼy maawaing Ama at Dios na laging nagpapalakas ng ating loob.

4 Pinalalakas niya ang aming loob sa lahat ng aming paghihirap, para sa pamamagitan ng kalakasan ng loob na ibinigay sa amin ng Dios ay mapalakas din namin ang loob ng ibang naghihirap.

5 Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap namin dahil kay Cristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang inyong loob.

6 Kung naghihirap man kami, itoʼy para mapalakas ang inyong loob, at para kayoʼy maligtas. At kung pinalakas man ng Dios ang aming loob, itoʼy para mapalakas din ang loob ninyo, nang sa ganoon ay makayanan ninyo ang mga paghihirap na tulad ng dinaranas namin.

7 Kaya malaki ang aming pag-asa para sa inyo, dahil alam namin na kung naghihirap kayo tulad namin, palalakasin din ng Dios ang inyong loob tulad ng sa amin.

8 Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo ang mga paghihirap na dinanas namin sa lalawigan ng Asia. Napakabigat ng mga dinanas namin doon, halos hindi na namin nakayanan at nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa.

9 Ang akala namin noon ay katapusan na namin. Ngunit nangyari ang lahat ng iyon para matuto kami na huwag magtiwala sa aming sarili kundi sa Dios na siyang bumubuhay ng mga patay.

10 Iniligtas niya kami sa malagim na kamatayan, at patuloy niya kaming ililigtas. At umaasa kami na patuloy niyang gagawin ito

11 sa tulong ng inyong mga panalangin. Sa ganoon, marami ang magpapasalamat sa Dios dahil sa mga pagpapalang tatanggapin namin mula sa kanya bilang sagot sa mga panalangin ng marami.

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @139 Don Jose St Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

“Pag-babago ng Kaisipan”

KYMC – Sunday Service

Lucas 16:19-31

Magandang Balita Biblia
Ang Mayaman at si Lazaro

19 “May isang mayamang laging nakasuot ng mamahaling damit at saganang-sagana sa pagkain araw-araw.

20 May isa namang pulubing nagngangalang Lazaro na tadtad ng sugat sa katawan at nakahiga sa may pintuan ng mayaman

21 sa hangad na matapunan man lamang ng mga mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng mga aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat.

22 Namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman at inilibing.

23 Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa daigdig ng mga patay,[a] natanaw ng mayaman si Lazaro sa piling ni Abraham.

24 Kaya’t sumigaw siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin. Utusan po ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang aking dila, dahil ako’y naghihirap sa apoy na ito.’

25 Ngunit sumagot si Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay noong ikaw ay nasa lupa, at si Lazaro naman ay nagtiis ng kahirapan. Subalit ngayon ay inaaliw siya rito samantalang ikaw nama’y nagdurusa riyan.

26 Bukod dito, may malaking bangin sa pagitan natin, kaya’t ang mga naririto ay hindi makakapunta diyan at ang mga naririyan ay hindi makakapunta rito.’

27 “Ngunit sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon po, Amang Abraham, ipinapakiusap kong papuntahin na lamang ninyo si Lazaro sa bahay ng aking ama,

28 sa aking limang kapatid na lalaki. Suguin po ninyo siya upang sila’y bigyang-babala at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’

29 Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga kasulatan ni Moises at ng mga propeta; iyon ang kanilang pakinggan.’

30 Sumagot ang mayaman, ‘Hindi po sapat ang mga iyon. Ngunit kung magpapakita sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, magsisisi sila’t tatalikuran ang kanilang mga kasalanan.’

31 Sinabi naman sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @139 Don Jose St Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

“Pag asa ng Kabataan”

Mateo 18:1-7

Mateo 181 Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, “Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” 2 Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa gitna nila 3 at sinabi, “Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. 4 Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. 5 Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap.”6 “Mas mabuti pa sa isang tao ang siya’y bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siya’y maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin. 7 Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito.

    Preacher: Bro. Gabriel Bituin

    Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @Don Alfredo Paguiruan, Floridablanca, Pampanga