KYMC Sunday Service
1 Samuel 2:1-10
[1]Ganito ang naging panalangin ni Hannah: “Pinupuri kita, Yahweh dahil sa iyong kaloob sa akin. Aking mga kaaway, ngayo’y aking pinagtatawanan, sapagkat iniligtas mo ako sa lubos na kahihiyan.
[2]“Si Yahweh lamang ang banal. Wala siyang katulad, walang ibang tagapagtanggol liban sa ating Diyos.
[3]Walang maaaring magyabang sa iyo, Yahweh, walang maaaring maghambog, sapagkat alam mo ang lahat ng bagay, ikaw ang hahatol sa lahat ng ginagawa ng tao.
[4]Ginapi mo ang mga makapangyarihan, at pinapalakas ninyo ang mahihina.
[5]Kaya’t ang dating mayayaman ay nagpapaupa para may makain. Masagana ngayon ang dating maralita. Nagsilang ng pito ang dating baog, at ang maraming anak ngayo’y nalulungkot.
[6]Ikaw, O Yahweh, ang may kapangyarihang magbigay o bumawi ng buhay. Maaari mo kaming itapon sa daigdig ng mga patay, at maaari ring buhayin muli.
[7]Maaari mo kaming payamanin o paghirapin, maaari ring ibaba o itaas.
[8]Mapapadakila mo kahit ang pinakaaba, mahahango sa kahirapan kahit ang pinakadukha. Maihahanay mo sila sa mga maharlika, mabibigyan ng karangalan kahit na ang mga hampaslupa. Hawak mo ang langit na nilikha, at sa iyo nasasalig ang lahat ng iyong gawa.
[9]“Papatnubayan mo ang tapat sa iyo, ngunit ang masasama ay isasadlak sa karimlan. Walang sinumang magtatagumpay sa sariling lakas.
[10]Lahat ng lumalaban sa iyo ay manginginig sa takot; kapag pinapadagundong mo ang mga kulog. Hahatulan mo ang buong daigdig, at pagtatagumpayin ang hinirang mong hari.”
1 Samuel 8:1-10
1]Nang matanda na si Samuel, ginawa niyang mga hukom ng Israel ang kanyang mga anak na lalaki.
[2]Ang panganay niya ay si Joel at ang pangalawa’y si Abias. Sila’y nagsilbing hukom sa Beer-seba.
[3]Ngunit hindi sila sumunod sa halimbawa ng kanilang ama. Naging gahaman sila sa salapi, tumanggap ng suhol, at hindi pinairal ang katarungan.
[4]Dahil dito, ang pinuno ng Israel ay sama-samang nagsadya kay Samuel sa Rama at
[5]kanilang sinabi, “Matanda na po kayo. Ang mga anak naman ninyo’y hindi sumusunod sa inyong mga yapak. Kaya’t ipili ninyo kami ng isang haring mamumuno sa amin tulad ng ibang mga bansa.”
[6]Nalungkot si Samuel dahil sa kahilingan ng mga tao, kaya’t nanalangin siya kay Yahweh.
[7]Sinabi naman sa kanya ni Yahweh, “Sundin mong lahat ang sinasabi nila sapagkat hindi ikaw kundi ako ang itinatakwil nila bilang hari nila.
[8]Ang ginagawa nila sa iyo ngayon ay ginagawa na nila sa akin mula pa nang ilabas ko sila sa Egipto. Noon pa’y tumalikod na sila sa akin, at naglingkod sa mga diyus-diyosan.
[9]Sundin mo sila, ngunit bigyan mo sila ng babala at ipaliwanag mo sa kanila kung ano ang gagawin ng hari na nais nilang mamahala sa kanila.”
[10]Lahat ng sinabi ni Yahweh kay Samuel ay sinabi nito sa mga Israelita
All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ
Preacher: Bro. Gabriel Bituin
Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @Don Alfredo Paguiruan, Floridablanca, Pampanga






