They Asked for a King: Solomon Part 2

Featured

KYMC Sunday Service

1 Mga Hari 9:1-9

[1]Nang maipagawa na ni Solomon ang Templo ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at ang lahat ng binalak niyang ipatayo,
[2]nagpakita muli sa kanya si Yahweh, tulad ng nangyari sa Gibeon.
[3]Sinabi sa kanya, “Ibinigay ko ang lahat ng hiniling mo sa iyong panalangin. Itinatakda kong sa Templong ito na inyong ipinatayo, dito mo ako sasambahin magpakailanman. Babantayan ko at iingatan ang Templong ito habang panahon.
[4]Kung ikaw naman ay mananatiling tapat sa akin, gaya ng iyong amang si David, kung gagawin mong lahat ang mga ipinagagawa ko sa iyo, at susundin mo ang aking mga utos at tuntunin,
[5]pananatilihin ko sa trono ng Israel ang iyong angkan. Iyan ang aking ipinangako sa iyong amang si David.
[6]Ngunit kung ikaw, o ang iyong mga anak, ay tatalikod sa akin at hindi susunod sa aking mga kautusan at batas; kapag kayo’y sumamba at naglingkod sa ibang diyos,
[7]palalayasin ko ang bayang Israel sa lupaing ibinigay ko sa kanila. Itatakwil ko ang Templong ito na aking itinuring na banal at itinakdang lugar na kung saan ako ay sasambahin. Ang Israel ay pagtatawanan at hahamakin ng lahat ng bansa.
[8]Magigiba ang Templong ito, at sinumang mapadaan dito’y mangingilabot at magtataka. Sasabihin nila, ‘Bakit ginawa ito ni Yahweh sa lupaing ito at sa Templong ito?’
[9]At ganito ang isasagot ng mga tao: ‘Sapagkat tinalikuran nila si Yahweh, ang kanilang Diyos na nagligtas sa kanilang mga ninuno mula sa pagkaalipin sa Egipto. Sumamba sila at naglingkod sa ibang mga diyos kaya pinabayaan sila ni Yahweh na mapahamak.’”

1Ki 9:10 NET
After twenty years, during which Solomon built the LORD’s temple and the royal palace,
1Ki 9:16 NET (Pharaoh, king of Egypt, had attacked and captured Gezer. He burned it and killed the Canaanites who lived in the city. He gave it as a wedding present to his daughter, who had married Solomon.)
1Ki 10:21 NET All of King Solomon’s cups were made of gold, and all the household items in the Palace of the Lebanon Forest were made of pure gold. There were no silver items, for silver was not considered very valuable in Solomon’s time.

1 Mga Hari 11:1-8 [1]Umibig si Solomon sa maraming dayuhang babae. Bukod pa sa anak ni Faraon, nag-asawa siya ng mga babaing Moabita, Ammonita, Edomita, Sidonio at Heteo. [2]Ipinagbabawal ni Yahweh sa mga Israelita ang mag-asawa sa mga banyagang ito. “Huwag kayong mag-aasawa sa mga lahing iyan sapagkat tiyak na ililigaw nila kayo at hihikayating sumamba sa kanilang mga diyus-diyosan,” sabi ni Yahweh. Ngunit nahulog ang loob ni Solomon sa mga babaing ito.
[3]Ang mga asawa niyang mula sa lipi ng mga hari ay pitong daan, at ang kanya namang mga asawang-lingkod ay tatlong daan.
[4]Nang matanda na si Solomon, nahikayat siya ng mga ito na sumamba sa kanilang mga diyus-diyosan. Hindi siya nanatiling tapat kay Yahweh; hindi niya sinundan ang halimbawa ni David na kanyang ama.
[5]Sumamba si Solomon kay Astarte, ang diyosa ng mga Sidonio at kay Milcom, ang karumal-dumal na diyos ng mga Ammonita.
[6]Gumawa nga ng kasamaan si Solomon laban kay Yahweh, at hindi niya sinundan ang halimbawa ng kanyang amang si David, na buong katapatang naglingkod kay Yahweh.
[7]Sa burol na nasa silangan ng Jerusalem ay nagtayo si Solomon ng sambahan para kay Cemos, ang karumal-dumal na diyos ng Moab, at para kay Molec, ang kasuklam-suklam na diyos ng mga Ammonita.
[8]Ipinagpagawa niya ng kanya-kanyang mga altar ang mga diyus-diyosan ng lahat niyang mga asawang dayuhan, at ang mga ito’y nagsunog doon ng insenso at naghain ng mga handog.

1 Mga Hari 11:9-12 [9]Nagalit si Yahweh kay Solomon dahil sa ginawa niyang ito. Dalawang beses na nagpakita sa kanya si Yahweh
[10]at pinagbawalan siyang maglingkod sa mga diyus-diyosan. Ngunit hindi niya sinunod si Yahweh.
[11]Kaya nga’t sinabi nito sa kanya, “Dahil sumira ka sa ating kasunduan at sinuway mo ang aking mga utos, aalisin ko sa iyo ang kaharian at ibibigay ko sa isang lingkod mo.
[12]Ngunit alang-alang kay David na iyong ama, hindi ko gagawin ito sa panahon ng paghahari mo, kundi sa panahon ng paghahari ng iyong anak.

1 Mga Hari 12:4 [4]“Napakabigat po ng mga pasaning iniatang sa amin ng inyong ama. Bawasan po ninyo ang pahirap na ginawa niya sa amin; pagaanin ninyo ang pasanin na aming dinadala at paglilingkuran namin kayo.”
1 Mga Hari 12:11 [11]at daragdagan mo pa ang pahirap na kanyang ipinapasan sa kanila; at kung sila’y hinagupit niya ng latigo, hahagupitin mo naman sila ng mga panghampas na may tinik na bakal.”
Ang Mangangaral 1:9 [9]Ang naganap noon ay nangyayari rin ngayon. Ang mga nagawa noon ay nagagawa rin ngayon; walang bagong pangyayari sa mundong ito.

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @Don Alfredo Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

They Asked for a King: Solomon Part 1

KYMC New Year – Sunday Service & Communion
Mangangaral 1:16-18 23

Magandang Balita Biblia

16 Sinabi ko sa aking sarili, “Ang karunungan ko’y higit sa sinundan kong mga hari ng Jerusalem. Alam ko kung ano ang tunay na karunungan at kaalaman.” 17 Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at ng kamangmangan, ng katalinuhan at ng kabaliwan. Ngunit napatunayan kong ito rin ay tulad lang ng paghahabol sa hangin. 18 Habang lumalawak ang karunungan ay dumarami ang alalahanin, at habang dumarami ang nalalaman ay lalong tumitindi ang kapighatian.

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @Don Alfredo Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

They Asked for a King: David

KYMC New Year Service

Acts 13:21-23

Mga Gawa 13:21-23 Magandang Balita Biblia

21 Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Diyos si Saul na anak ni Cis, isang lalaking mula sa lipi ni Benjamin. Naghari si Saul sa loob ng apatnapung taon.

22 At nang siya’y alisin ng Diyos, si David naman ang pinili ng Diyos upang maghari sa kanila. Sinabi ng Diyos tungkol sa kanya, ‘Si David, na anak ni Jesse, ay isang lalaking aking kinalulugdan, na handang sumunod sa lahat ng nais ko.’

23 “Sa angkan ng lalaking ito nagmula si Jesus, ang Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos sa Israel.

All Glory is to our God and our Lord and Saviour Jesus Christ

Preacher: Bro. Gabriel Bituin

Welcome to our Sunday service at Kanlungan Youth Mission Church located @Don Alfredo Paguiruan, Floridablanca, Pampanga