God Breaks the Man He Wants to Use

Job 1:13-22

Nalipol ang mga Anak ni Job at Naubos ang Kanyang Kayamanan

13 Isang araw, nagkakainan at nag-iinuman ang mga anak ni Job sa bahay ng kanilang panganay na kapatid na lalaki. 14 Walang anu-ano’y dumating kay Job ang isa niyang tauhan. Sinabi nito, “Kasalukuyan po naming pinang-aararo ang mga baka at nanginginain naman ang mga asno, 15 nang may dumating na mga Sabeo.[a] Kinuha po nila ang mga baka at mga asno at pinatay pa po ang aking mga kasama. Ako lang po ang nakatakas upang magbalita sa inyo.”

16 Hindi pa ito nakakatapos sa pagbabalita nang may dumating na namang isa. Sinabi naman nito kay Job, “Tinamaan po ng kidlat ang mga tupa at mga pastol at namatay lahat; ako lang po ang nakaligtas upang magbalita sa inyo.”

17 Hindi pa ito halos tapos magsalita nang may isa na namang dumating. Ang sabi nito, “Sinalakay po kami ng tatlong pangkat ng mga Caldeo.[b] Kinuha nila ang lahat ng kamelyo at pinatay ang aking mga kasama. Ako lang po ang nakatakas upang magbalita sa inyo.”

18 Hindi pa rin ito halos tapos magsalita nang may dumating na namang isa at nagsabi, “Habang ang mga anak po ninyo ay nagkakainan at nag-iinuman sa bahay ng panganay nilang kapatid, 19 hinampas po ng napakalakas na hangin ang bahay at bumagsak. Nabagsakan po sila at namatay lahat. Ako lang po ang natirang buháy upang magbalita sa inyo.”

20 Tumayo si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos, nagpatirapa siya at sumamba sa Diyos. 21 Ang sabi niya, “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!”

22 Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi niya sinisi ang Diyos, kaya’t hindi siya nagkasala laban sa kanya.

Lahat tayo ay nakaranas na ng pagkabigo o “breaking.” Ngunit hindi ibig sabihin nito na sisirain tayo ng Diyos. Sa halip, ito ang simula ng mas malalim na pagkilala sa ating sarili, at daan tungo sa tunay na kalayaan at kapayapaan.

Isaiah 61:1 — “He has sent me to bind up the brokenhearted, to proclaim liberty to the captives…”


📌 Breaking is Not Punishment
Kapag dumadaan tayo sa breaking, madalas iniisip natin na parang pinaparusahan tayo ng Diyos. Ngunit ang totoo, ito ay paghahanda para sa mas mataas na antas ng maturity sa ating buhay.

Isang perpektong halimbawa si Job. Nawalan siya ng lahat—mga anak, ari-arian, at kalusugan—ngunit hindi niya itinuring na parusa ang kanyang karanasan. Sa halip, pinuri pa rin niya ang Panginoon.


📌 Breaking Breaks Away Self-Dependence
Nang mawalan si Job ng lahat, hindi niya minura o sinisi ang Diyos. Oo, nakaramdam siya ng lungkot, ngunit hindi ito naging dahilan para mawala ang kanyang pananampalataya.

Job 1:21 — “The Lord gave, and the Lord has taken away; blessed be the name of the Lord.”

Sa breaking, natututo tayong huwag umasa sa sarili kundi sa Diyos lamang. Dependence on God is our assurance—He will never fail us.

📌 Breaking Produces Humility
Kapag tayo ay nababasag, hinuhubog tayo ng Diyos sa pagpapakumbaba. At kapag tayo’y nagpapakumbaba, Siya ang magtataas sa atin.

James 4:10 — “Humble yourselves before the Lord, and He will lift you up.”

Kaya huwag tayong magtaka kung bakit may breaking moments. Ito ay pagtuturo ng Diyos upang tayo’y maging mapagkumbaba.


📌 Through Breaking, God Prepares Us
Ang breaking ay hindi pagtatapos, kundi simula ng mas malaking layunin. Ang Diyos mismo ang bumabasag, at Siya rin ang nagbubuo.

Isipin ang isang jar na nabasag. Kapag muling pinagsama ang mga piraso, lumalabas ang kakaibang ganda at art. Ganoon din tayo—sa breaking, lumalabas ang tunay na tayo, walang pagkukunwari.


📌 Breaking Shapes Character
Bago natin makamtan ang ating mga layunin, binibigyan muna tayo ng Diyos ng mga pagsubok. Sa bawat trial, mas nagiging matatag tayo.

Oo, mapapagod tayo, ngunit huwag susuko. Ang mga pagsubok na ito ang humuhubog sa ating ugali at karakter. Sa breaking moments sinusubok ng Diyos kung lalayo ba tayo sa Kanya o mas lalo tayong lalapit.

📌 Breaking Releases True Power
Minsan, sa dami ng galit, sakit, at hinanakit, kapag tayo’y nabasag, lumalabas ang totoong kapangyarihan. Ngunit ang pinakamahalagang halimbawa ay si Jesus Christ.

Sa Kanyang breaking—ang sakit, sugat, dugo, at pagdurusa sa krus—lumabas ang pinakadakilang kapangyarihan: ang kaligtasan ng sanlibutan.

“By His wounds, you are healed.” (Isaiah 53:5)

Sa Kanyang kamatayan, binasag Niya ang kapangyarihan ng kasalanan. Sa Kanyang pagpapakumbaba hanggang kamatayan, ipinakita Niya ang tunay na kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos.


That is why God breaks the man He wants to use. Hindi kayang dalhin ng ating pride ang kaluwalhatian ng Diyos.

Kaya kapatid, kapag ang buhay ay tila binabasag ka, huwag mong isipin na ito ay rejection. Ito ay preparation.

Kapag binreak ka ni Lord, magmamatigas ka ba? O hahayaan mong Siya ang muling bumuo sa iyo?  

End of message…..
Lahat po ng kaluwalhatian at pasasalamat sa mensaheng ito ay sa Diyos
Luwalhatiin at dakilain siya magpasawalang hanggan.
In Jesus mighty name, Amen…

Article Written by: Bro. Bon Soza Opalda
Supported by: Bro. Gabriel Bituin

Maraming salamat po sa pagbisita sa aming website, maari din kayo dumalo sa aming Sunday Service, @KanlunganYoutMissionChurch sa ganap na 09:30am-11:00am linggo linggo.

Leave a comment